Mga bagay na dapat tandaan sa pagpupunsoy ng bedroom:

Ang bedroom door ay hindi dapat katapat ng toilet/bathroom door, hagdanan at isa pang bedroom door.

Iwasang gumamit ng black sa bedroom - black curtain, bedsheet, wall paper, etc.

Ang paglalagay ng aquarium, paintings ng waterfalls, lawa, dagat o anumang water features sa loob ng bedroom ay magdudulot ng financial loss o mararanasan mo ang mapagnakawan. Huwag ding gagamit ng water bed.

Huwag magdi-display ng bulaklak o anumang tanim na halaman sa bedroom dahil ang mga ito ay nagdadala ng sobrang lakas ng enerhiya o yang energy. Ang mga tanim ay magdudulot ng away o pagtataksil, may asawa man o wala ang gumagamit ng kuwarto. Kahit paintings ng mga bulaklak o halaman ay hindi rin dapat idisplay sa bedroom. Ang malakas na enerhiya o yang energy ay kinakailangan lamang sa mga bedroom ng maysakit upang mapagaling ang kanyang karamdaman.

Huwag maglalagay ng salamin sa harap ng kama dahil ang salamin ay nagdudulot ng infidelity sa mag-asawa. Kung walang asawa at nakatakdang ikasal ang gumagamit ng kuwarto, ang salamin ay magdudulot ng hindi magandang pangyayari sa araw ng kasal.

Huwag itatapat sa iyong kama ang open bookshelves. Magdudulot ito sa iyo ng pagkakasakit. Ang open bookshelves ay parang blade na humihiwa sa iyong aura habang ikaw ay natutulog. Kaya hangga't maaari ay may glass o woodem door ang inyong bookshelves o anumang cabinet na gagamitin.

Walang siguradong paraan upang tayo ay manalo sa sugal ngunit may paraan para mapalapit tayo sa suwerte:

Lotto

1. Ang lotto outlet ay dapat nakapuwesto sa kanluran o west. Ito ang masuwerteng direksiyon sa lahat ng may kaugnayan sa sugal o pera. Kung walang lotto outlet sa inyong lugar na nasa kanluran, dapat nakaharap sa west ang teller o ikaw na mananaya ay nakaharap sa kanluran habang nakatayo at bumibili ng tiket.

2. Sa kanluran ka pumuwesto habang isinusulat ang numero sa card.

3. Ang lotto outlet ay nasa maaliwalas na lugar at walang mga istruktura na nakaharang para ang good energy ay malayang makakaikot.


Bingo at Card Games

1. Umupo ka sa west ngunit kung imposibleng puwestuhan, doon ka umupo sa lugar na natatanaw mo nang maayos ang entrance. Nagkakaroon ng positive outlook ang gambler kung nakikita niya ang entrance.

2. Huwag pupuwesto sa tabi ng bintana o pintuan (entrance) dahil ito ang lugar kung saan lumalabas ang good energy na nanggagaling sa loob ng bahay. Kumbaga, ito ang lokasyon na pinagtampuhan ng suwerte.

My Blog List